Saturday, September 11, 2010

RADIO DOCUMENTARY

After having our own radio plug, we were also given the chance to produce 15-minuter radio documentary. Luckily, we had two of them. The documentary was focused on the tourism of Pasig and the culture of Ifugao. We conducted an intensive regarding those things and wrote a script. With the help of Sir Anthony who edited the whole piece, we happily listened to our new self-produced masterpieces! Attached herewith was the script. Enjoy! :)

RADIO DOCUMENTARY- IFUGAO

MUSIC: ETHNIC/ NATIVE MUSIC UP MAINTAIN UNDER

INTRO: Isang paanyaya mula sa DZRM 1278 Radyo Magasin. Ating alamin ang makukulay na kultura at pamumuhay ng iba’t ibang pangkat etniko sa bansa. Halina sumama ka, pumasyal tayo doon po sa amin, sa bulubundukin ng Ifugao.

MUSIC: ETHNIC/ NATIVE MUSIC UP MAINTAIN UNDER

Ang Ifugao ay matatagpuan sa bulubundukin ng Cordillera Administrative Region. Makikita sa Ifugao ang ibat-ibang magagandang tanawin . Bukod pa dito, mayaman din ang lugar na ito sa mga kultura at tradisyon.

Nagmula ang salitang “Ifugao” sa salitang “ipugo” na ang ibig sabihin ay “Mula sa burol”.

Ayon sa Ifugao Mythology, ang ipugo ay nangangahulugang “butil ng bigas” na pinagkaloob sa kanila ng kanilang diyos na si Matungulan. At hanggang sa ngayon ang butil ng bigas na ito ay patuloy pa ring itinatanim ng mga Ifugao.

Ang pangalang Ygolote, Igolot, o Igorrote ay ginamit ng mga espanyol na conquistadores at misyonaryo, tungkol sa iba’t ibang taong bundok..."

RADIO DOCUMENTARY- PASIG CITY

MUSIC: FESTIVE MUSIC UP MAINTAIN UNDER

Isang paanyaya mula sa DZRM 1278 Radyo Magasin. Ating libutin at mas kilalanin ang iba’t-ibang lugar sa ating bansa, Halina, sumama na, pumasyal tayo DOON PO SA AMIN, SA BAYAN NG PASIG!

MUSIC: MUSIC UP SIGE PASIG SIGE! (CHORUS PART) MAINTAIN UNDER

SFX: CHEERFUL SOUND

Sige, Pasig, sige Pa! Ang Pasig ay isa sa mga progresibong lungsod at munisipalidad na bumubuo sa Metro Manila. Dati itong itinuring na kapitolyo ng Rizal. Ang Pasig ay isang residential at industrial na lungsod kung saan unti-unti na ring nagiging commercial area...

No comments:

Post a Comment