During our stay there, we were tasked to perform things that were beyond what we expect we’ll do. Everyday, we needed to produce eight news bulletins and eight information bulletins for Mr. Rey Sampang’s daily program schedule. Here are some of the news and bits of information that I wrote and gathered myself:
DZRM/J. MARZAN/08-17-10/NEWS
IPINAGTANGGOL NI PANGULONG AQUINO ANG BINUO NIYANG LEGAL TEAM LABAN SA MGA KRITISISMO SA PAGKAKAROON NG APAT NA KASO SA LOOB LAMANG NG HALOS DALWANG BUWAN NG PANUNUNGKULAN NA INIHAIN SA KORTE SUPREMA.
IPINALIWANAG NG PANGULO NA ANG KANYANG ADMINISTRASYON AY NAGHAHANGAD NG MGA PAGBABAGO SA PAMAMAHALA SA MAS MAIKLING PANAHON, LALO NA SA PAG-AALIS NG “MIDNIGHT APPOINTMENTS” NG NAKARAANG PAMAHALAAN.
IBAT-IBANG GRUP ANG HUMIHILING SA KORTE SUPREMA NA IPASAWALANG-BISA ANG UNANG TATLONG BATAS NA IPINANUKALA NG PANGULO AT ANG KANYANG PLANONG IPATUPAD ANG BUWIS SA TOLL.
DAGDAG PA NITO, INAASAHAN NA NIYA ANG MGA NEGATIBONG PAHAYAG MULA SA MGA GRUPONG ITO LALAO NA SA MGA TAONG NAKIKINABANG SA “BALUKTOT” NA DAAN.
DZRM/J. MARZAN/08-17-10/NEWS
SINIMULAN NA NG METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY TRAFFIC ENFORCERS ANG PAGTATRABAHO NG BUONG MAGHAPON SA KALSADA DAHIL NA RIN SA UTOS NG AHENSIYA UPANG MAPAIGTING ANG PAGSUGPO SA COLORUM NG MGA SASAKYAN.
NOONG UNA, ANG MGA TRAFFIC ENFORCERS NG AHENSIYA AS NAGTATRABAHO SA LOOB NG DALAWANG SHIFT: MULA 6AM HANGGANG 2PM AT 2PM HANGGANG 10PM.
DINAGDAGAN PA NG ISANG SHIFT ANG TRABAHO NOONG NAKARAANGLUNES. ITO AY MULA 10PM HANGGANG 6AM.
SINABI NI MMDA CHAIMAN FRANCIS TOLENTINO NA ANG LAHAT NG PANGGABING TRABAHADOR ANG KINAKAILANGANG NAKASUOT NG UNIPORME KASAMA ANG KANILANGNAME PLATES AT MGA ID.
AYON PA SA KANYA, PINILI ANG MGA KWALIPIKADONG ENFORCERS BASE SA KANILANG MALUSOG NA PANGANGATAWAN AT MAGANDANG TRACK RECORD UPANG MASIGURONG MAGMPANAN NILA ANG KANILANG TUNGKULIN.
DZRM/J. MARZAN/08-18-10/NEWS
HINDI PRAYORIDAD NG PAMAHALAAN ANG PAG-AMIENDA SA 1987 CONSTITUION KAHIT PA PATUNGKOL ITO SA PAGBIBIGAY-DAAN SA USAPING PANGKAPAYAPAAN SA MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT (MILF), AYON KAY PANGULONG BENIGNO AQUINO III.
SINABI RIN NI SECRETARY FOR DEV’T. & STARTEGIC PLANNING RICKY CARANDANG NG PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE, HINDI SUSUPORATAHAN NG PANGULO SA NGAYON ANG ANUMANG HAKABANGIN UPANG MAAPRUBAHAN ANG NASABING KONSTITUSYON SA POSIBILIDAD NG PAGKAKAROON NG PEACE PROCESS SA MILF.
NILIWANAG DIN NI CARANDANG NA HINDI NAMAN TUTOL SI P-NOY SA PAGSUSULONG SA CHARTER CHANGE. NAIS LAMANG NIYA ITONG GAWIN SA TAMANG DAHILAN, TAMANG PANAHON AT TAMANG PAGKAKATAON.
SAMANTALA, ILAN SA MGA MAMBABATAS AY SANG-AYON SA PAGBABAGO NG KONSTITUSYON UPANG TAPUSIN ANG KAGULUHAN SA MINDANAO. INIHAIN NI PAMPANGA REP. GLORIA ARROYO ANG UNANG RESOLUSYON UKOL SA CHA-CHA NA NAGSASAAD NA ANG PAGPAPATUPAD NITO AY HINDI LAMANG MAGDUDULOT NG KAPAYAPAAN SA MINDANAO KUNDI MAGBUBUKAS DIN ITO SA BANSA NG MAS MARAMING OPORTUNIDAD SA EKONOMIYA.
No comments:
Post a Comment