Like the other weeks, we wrote and researched news and pieces of information so freaking bad! Hehe.. anyways, here’s a preview of those:
DZRM/J. MARZAN/08-23-10/NEWS
NAGTALAGA ANG COMMISSION ON ELECTIONS NG ISANG US-BASED GROUP UPANG IEVALUATE ANG AUTOMATED ELCTIONS SA MAY 10.
SINABI NI COMELEC COMMISSIONER RENE SARMIENTO NA IPINAGKATIWALA NG POLL BODY SA INTERNATIONAL FOUNDATION FOR ELECTORAL SYSTEMS (IFES) ANG PAGSASAGAWA NG ASSESSMENT SA SETYEMBRE.
AYON PA KAY SARMIENTO, KASALUKUYAN NA RING TINATAPOS ANG TERMS OF REFERENCE (TOR) PARA SA EVALUATION.
DAGDAG PA NIYA, ANG IFES EVALUATION AY NAPAPALOOBAN NG PAGGAMIT NG PRECINCT COUNT OPTICAL SCAN (PCOS) MACHINES, PAGGUGRUPO SA MGA PRESINTO AT ANG KABUUANG PAGSASAGAWA NG HALALAN.
DZRM/J. MARZAN/08-23-10/NEWS
KINUKUMBINSI NG PAMILYA NI SEN. PANFILO LACSON SI PANG. AQUINO UPANG IUTOS NA SUSPINDIHIN ANG ARREST WARRANT LABAN SA SENADOR AT ANG PAG-AARAL SA MURDER CASE NITO.
MULA SA INILABAS NA PAHAYAG SA OPISINA NG SENADOR, SINABI NI RONALD JAY LACSON NA ANG MGA KASONG INIHAIN LABAN SA AMA NIYA AY MGA URI NG POLITICAL VENDETTA NG NAKARAANG ADMINISTRASYON.
AYON PA SA KANYA, HINDI HINIHINGI NG PAMILYA NITO NA BITAWAN ANG KASO KUNDI SUSPENDIHIN LAMANG ANG ARREST WARRANT AT ANG MULING PAG-IMBESTIGA SA MURDER CASE NITO.
SAMANTALA, SINABI NG MGA KASAMAHAN NI LACSON NA HINDI SAPAT NA BASEHAN ANG MURDER CHARGES UPANG MAGSAMPA NG ETHICS COMPLAINT LABAN PA RIN SA SENADOR.
No comments:
Post a Comment